MANILA, Philippines - Humigit-kumulang sa 15,000 runners ang inaasahang lalahok sa Condura Skyway Marathon 2012: Run for the Mangroves--ang kauna-unahang midnight marathon--sa Pebrero 5 na magsisimula at magtatapos sa Filinvest sa Alabang.
Nasa pang limang edisyon, ang game-changing annual footrace ang muling naghamon sa mga marathoners sa nasabing midnight race na dadaan sa Muntinlupa, Parañaque, Taguig, Pasay at Makati via Metro Manila Skyway.
Ang limang events - 3K, 5K, 10K, 16K, at 21K runs--ay nakalatag sa Condura Skyway Marathon, sumusuporta sa mangroves reforestation project sa Sibugay Bay, Zamboanga.
“We are proud to celebrate our fifth anniversary as we run through five cities in one go with all race categories going up the Skyway for the first time,” wika ni Ton Concepcion, ang founder at organizer ng Condura Skyway Marathon.
Ang naturang event ay nakalikom na ng P2 milyon para sa mga proyektong nangangalaga sa marine environment kagaya ng Tubbataha Reefs, ang whalesharks ng Donsol at ang dolphins ng Bohol.
Para sa on-line listup, maaaring mag- log-on sa www.conduraskywaymarathon.com.