Maquinto patuloy na nakikipaglaban para mabuhay

MANILA, Philippines - Nakikipaglaban nga­yon sa kanyang buhay si super flyweight Karlo Maquinto sa isang Quezon City hospital matapos kumulapso makaraan ang kanilang eight-round fight ni Mark Joseph Costa noong Sabado ng gabi sa Caloocan City.

Inihahanda na rin ng kanyang kapatid na si Virgie ang anumang maaaring mang­yari.

Ayon kay Gerry Peñalosa, ang dating world champion at tumayong co-promoter ng boxing card, pinanood niya ang 21-anyos na si Maquinto sa kabuuan ng laban.

“After the bell, diretso pa ang lakad niya,” ani Pe­ñalosa. “But when he sud­denly fell to the floor, I knew something was wrong. Kinabahan na agad ako.”

Nalaman na ng dating world super flyweight at ban­tamweight champion na magaling na boksinge­ro si Maquinto ng Baguio City.

At kailangan niya itong mapanood ng personal.

 Ikinalungkot ni Peñalosa ang nangyari kay Maquinto na nagsanay sa Shape-Up Gym sa Baguio.

Show comments