Maquinto patuloy na nakikipaglaban para mabuhay
MANILA, Philippines - Nakikipaglaban ngayon sa kanyang buhay si super flyweight Karlo Maquinto sa isang Quezon City hospital matapos kumulapso makaraan ang kanilang eight-round fight ni Mark Joseph Costa noong Sabado ng gabi sa Caloocan City.
Inihahanda na rin ng kanyang kapatid na si Virgie ang anumang maaaring mangyari.
Ayon kay Gerry Peñalosa, ang dating world champion at tumayong co-promoter ng boxing card, pinanood niya ang 21-anyos na si Maquinto sa kabuuan ng laban.
“After the bell, diretso pa ang lakad niya,” ani Peñalosa. “But when he suddenly fell to the floor, I knew something was wrong. Kinabahan na agad ako.”
Nalaman na ng dating world super flyweight at bantamweight champion na magaling na boksingero si Maquinto ng Baguio City.
At kailangan niya itong mapanood ng personal.
Ikinalungkot ni Peñalosa ang nangyari kay Maquinto na nagsanay sa Shape-Up Gym sa Baguio.
- Latest
- Trending