^

PSN Palaro

Bago City nagbabanta, 4 boxer pasok sa finals

-

MANILA, Philippines - Taong 1999 nang hu­ling nakapagpasikat ang mga boksingero ng Bago City.

Labindalawang taon ma­tapos ito ay nagbabad­ya ang nasabing Siyudad na mapanumbalik ang da­ting mataas na estado sa boxing nang magpasok sila ng apat na boksingero sa 2012 PLDT-ABAP Visayas Area Championships na idinadaos sa Robinson’s Mall sa Dumaguete City.

Ang dating national pool member na kumakampan­ya sa Youth light weight division na si James Palicte kasama sina pinweight Ray­mart Flores at junior light flyweight Ramonito Ladon Jr. at light bantamweight Jesmar Martir ang mga nag­sipanalo sa idinaos na semifinals noong Sabado.

Tampok na panalo ang kinuha ni Palicte nang hiritan ng RSC panalo sa ikatlong round ang pambato ng Mandaue City na si Eleno Traya upang mamuro ang Bago City na maagaw ang titulo sa Mandaue sa edisyong ito.

Ang Mandaue na nagpasok ng anim na boxers sa semis ay nanalo lamang ng tatlo na sina Kevin Jake Cataraja, Rolan Servania at Mardie Nuana.

Maliban sa Bago City ay mapapalaban din ang nagdedepensang kampeon sa Tagbilaran City na naipasok ang lahat ng tatlong boksingerong inilalaban sa apat na araw na torneo na inorganisa ng Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) at supor­tado ng PLDT at may basbas ng City at Provincial Government.

Si Jessel Mark Araula na national champion mula pa noong 2007 ay nagwagi kay Jeffrey Bagacay ng Bago City sa RSC may 2:22 sa second round sa youth bantamweight division.

Si Cantrel Cherwellan ay nanaig kay Steven Nob­lefranca ng Cebu, 8-7, sa youth bantamweight ha­bang si Kenneth Centallan ay nagwagi kay Ro­nald Bryan Remedio ng Mandaue City, 8-3, sa junior light flyweight division.  

vuukle comment

AMATEUR BOXING ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

ANG MANDAUE

BAGO CITY

BRYAN REMEDIO

CITY

DUMAGUETE CITY

ELENO TRAYA

JAMES PALICTE

MANDAUE CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with