^

PSN Palaro

Tapos na ang Giyera

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Hindi na pinakawalan pa ng Tropang Texters ang pagkakataon.

Mainit na sinimulan ang laro, tinalo ng nagdedepensang Talk ‘N Text ang Po­werade, 110-101, sa Game Five ng kanilang championship series upang tuluyan nang angkinin ang 2011-2012 PBA Philippine Cup kagabi sa Smart-Araneta Coliseum.

Hinirang ang PLDT fran­chise na unang kopo­nang matagumpay na na­kapagtanggol ng isang All-Filipino Cup title matapos ang Great Taste noong 1984 at 1985 o 27 taon na ang nakakaraan at tinapos sa 4-1 ang kanilang best-of-seven titular showdown ng Tigers.

Ito ang pang limang PBA championship ng Tropang Texters at pangat­long All-Filipino crown, habang nakamit naman ni coach Chot Reyes ang kanyang ikawalong titulo para makapantay si dating San Miguel/Ginebra mentor Jong Uichico sa ilalim nina Baby Dalupan (15), Tim Cone (13) at Norman Black (10).

“This championship is for the team, to the players, to the fans, to our management,” sabi ni Reyes na ini­aalay rin ang kampeonato sa kanyang tiyuhing may sakit na si Boying Molina. “I know you’re watching at home, this one’s for you. I hope it makes you very, very happy.”

Mula sa isang 23-point deficit sa first half ay nakalapit ang Powerade sa 58-70 agwat mula sa dalawang freethrows ni Best Player of the Conference Gary David bago maghulog ang Talk ‘N Text ng isang 12-0 bomba galing kina 2011 PBA Most Valuable Player Jimmy Alapag, Ranidel De Ocampo, Ryan Reyes at Ali Peek para sa kanilang 24-point lead, 82-58, sa 1:36 ng third period.

Sa kabila nito, hindi pa rin sumuko ang Tigers ni Bo Perasol.

Nagtuwang sina David, Sean Anthony at No. 1 overall pick JVee Casio upang muling ilapit ang Powerade sa 94-103 sa huling 2:01 ng laro kasunod ang fastbreak basket ni De Ocampo buhat sa PBA all-time record na pang 10 steals ni Reyes na nagbigay sa Talk ‘N Text ng 105-94 lamang sa 1:19 nito.

Huling nakadikit ang Tigers sa 98-106 mula sa tres ni David sa huling 48.4 segundo kasunod ang split ni Alapag na naghatid sa Tropang Texters sa 107-98 abante sa nalalabing 31 segundo.

Nauna nang kinuha ng Talk ‘N Text ang isang 23-point advantage, 40-17, sa 9:01 ng second period mula sa isang three-pointer ni Fonacier para sa kanilang 18-7 atake matapos iwanan ang Powerade sa 22-10 sa 5:17 ng first quarter.

Bago matapos ang first half ay halos sakalin ng 6-foot-6 na si Adducul si Alapag matapos siyang ibalibag ng 5’6 na pointguard sa sahig.

Kaagad naman siyang inawat ni Peek kasabay ng pagpasok ng dalawang koponan sa dugout kung saan bitbit ng Tropang Texters ang 60-46 halftime lead.

TALK N TEXT 110 - Reyes 20, De Ocampo 18, Alapag 17, Castro 14, Peek 13, Williams 10, Fonacier 9, Dillinger 7, Gamalinda 2, Carey 0.

POWERADE 101- David 37, Anthony 22, Casio 19, Lassiter 12, Adducul 4, Kramer 3, Crisano 3, Vanlandingham 1, Lingganay 0, Allera 0, Cruz 0.

Quarterscores: 30-16, 60-46, 85-64, 110-10.

ADDUCUL

ALAPAG

ALI PEEK

ALL-FILIPINO CUP

BABY DALUPAN

DE OCAMPO

N TEXT

POWERADE

REYES

TROPANG TEXTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with