^

PSN Palaro

Sharapova vs Azarenka sa Australian Open finals

-

MELBOURNE, Australia - Naipaghiganti ni Maria Sharapova ang kanyang Wimbledon loss kay Petra Kvitova para makabalik sa Australian Open final sa unang pagkakataon sapul nang makuha ang huli sa kanyang tatlong major titles noong 2008.

Tinalo ni Sharapova si Kvitova, 6-2, 3-6, 6-4, para itakda ang kanilang championship match ni Victoria Azarenka.

Ang third-seeded na Belarusian ang sumibak na­man kay defending cham­pion Kim Clijsters sa semifinals para umabante sa kanyang unang Grand Slam final.

Ang mananalo sa finals ang siyang makakakuha ng No. 1 ranking.

Umiskor naman si Azarenka ng 6-4, 1-6, 6-3 panalo laban kay Clijsters sa kanilang semifinals game.

Binasag niya ang tatlong serve ng Belgian sa third set tungo sa kanyang ikalawang finals appearance.

AUSTRALIAN OPEN

AZARENKA

BELARUSIAN

BINASAG

CLIJSTERS

GRAND SLAM

KIM CLIJSTERS

MARIA SHARAPOVA

PETRA KVITOVA

VICTORIA AZARENKA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with