UST umabante sa semis sa SBP National Under 16
BAGUIO City, Philippines - Umabante ang University of Santo Tomas sa crossover semifinals nang igupo ang St. Bridget College, 80-32, sa SBP National Under-16 Basketball Championship dito sa Easter College gym.
Ngunit kailangan naman ng University of Visayas at St. John Institute ng higher quotients para makapasok sa sedmis.
Tinalo ng UV ang St. Clare, 98-71, habang binigo ng La Union College of Nursing and Arts & Sciences ang St. John, 84-78, sa Cordillera Career Development College sa Benguet, La Trinidad.
Tinapos ng UV, St. John at LUCNAS ang elimination sa magkakatulad nilang 4-1 cards, ngunit nasambot ng UV at St. John ang playoff berths sa kanilang quotients na 1.0294 at 1.0114, ayon sa pagkakasunod, kumpara sa 0.9567 ng LUCNAS.
Nagmula naman ang UST sa 78-88 kabiguan sa Group “B” qualifier at undefeated Sacred Heart of Jesus Montessori noong Miyerkules.
Tinapos ng UST ang elimination round bitbit ang 4-1 card para makasama ang Sacred Heart (5-0) sa semis.
Ang top two teams ang siyang maglalaban para sa korona sa isang winner-take-all match na ang magka-kampeon ay mag-uuwi ng trope bukod pa sa cash na P30,000 na handog ni SBP president Manny V. Pangilinan.
Nauna rito, tinanghal na kampeon ang St. Clare College-Caloocan Lady Saints matapos na walisin ang kanilang asignatura sa women’s division at ibinulsa ang P20,000 cash.
- Latest
- Trending