^

PSN Palaro

Cotto 'di papayag na madiktahan sakaling lumaban kay Pacquiao

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Kung si Manny Pacquiao ang nasunod kung anong weight limit sila maglalaban noong 2009, sa pagkakataong ito ay hindi na papayag si Miguel Cotto na ma­diktahan.

Sa panayam ng BoxingScene.com kahapon, sinabi ng 31-anyos na si Cotto na hindi siya papayag na labanan ang 33-anyos na si Pacquiao sa welterweight limit na 147 pounds kung saan hawak ng Filipino world eight-division king ang korona.

Ito ay kung maitatakda ang kanilang rematch sa Hunyo 9.

“He had no problems in dealing with (Antonio) Margarito at 150 (pounds). He hasn’t had problems with anyone regarding weight,” sabi ni Cotto kay Pacquiao. “With Joshua Clottey, they fought at 147. I drove down to 145. The rematch, I’m going to do it at my weight.”

Tinalo ni Pacquiao si Cotto via 12th-round TKO sa isang catchweight fight sa 145 pounds para agawin ng Filipino boxing superstar ang suot na WBO welterweight crown ng Puerto Rican noong Nobyembre 2009.

Si Cotto, ikinukunsidera rin ang laban kay Floyd Mayweather, Jr. sa Mayo 5, ang bagong WBA junior middleweight beltholder at kasalukuyang nasa isang three-fight winning streak matapos ang kabiguan kay Pacquiao.  

“I will not sacrifice my body again for the benefit of another boxer. It won’t happen at 147 pounds,” dagdag pa ni Cotto.

Maliban kina Mayweather at Cotto, nasa listahan rin ni Pacquiao sina Juan Manuel Marquez, Lamont Peterson at Timothy Bradley, Jr.

COTTO

FLOYD MAYWEATHER

JUAN MANUEL MARQUEZ

LAMONT PETERSON

MIGUEL COTTO

PACQUIAO

PUERTO RICAN

SI COTTO

TIMOTHY BRADLEY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with