Barbosa ika-3 Pinoy na Super GM
MANILA, Philippines - Kinilala si Oliver Barbosa bilang pangatlong Filipino na naging Super Grand Master matapos magkampeon sa katatapos na 10th Parsvnath International Grandmasters Chess Tournament na ginanap sa Ludlow Castle Sports Complex, Civil Lines sa New Delhi, India nitong Lunes.
Tumapos ang Taytay, Rizal native sa eleven round Swiss system tournament na may 9.5 points na may eight wins at three draws patungo sa coveted chess title.
Ang nasabing tagumpay ay naghatid sa former University of the Philippines (UP) mainstay ng bagong Elo live rating na 2627 mula sa dati niyang 2573 points.
Ang undefeated Filipino ay nagkaroon ng plus 53.8 Elo rating points kasama na ang kagila-gilalas na Tournament Rating Performance (TPR) 2710.
Si Mark Paragua ang kauna-unahang naging Super Grand Master matapos makaabot sa 2600 mark matapos ang second-place finish sa 2006 Asian Zonal 3.3 Chess Championships.
- Latest
- Trending