^

PSN Palaro

GM Barbosa pinagharian ang 10th Parsvnath tournament

-

MANILA, Philippines - Tinanghal na overall champion si Filipino Grand Mas­ter Oliver Barbosa sa 10th Parsvnath Internatio­nal Grandmasters Chess Tour­nament na ginanap sa Ludlow Castle Sports Com­­plex, Civil Lines sa New Delhi, India.

Tinalo ng pambato ng Taytay, Rizal si International Master Shyam Nikil gamit ang itim na piyesa sa ele­venth at final round.

Itinala ng dating University of the Philippines mainstay ang 9.5 puntos pa­­ra makuha ang tropeo.

Nagtabla naman ang la­­ban ni GM John Paul Go­mez kontra kay Ma Qun ng China para tumapos sa No. 2 hanggang No. 3 sa naisulong niyang 9 points ka­tabla si IM Lalith Babu M R ng India.

Ngunit nang ipinatupad ang tie break points, nakopo ng Biñan, Laguna bet ang overall second place.

Tinalo naman ni GM Mark Paragua si GM Ev­geny Gleizerov ng Russia pa­ra makisalo sa No. 4 hanggang No. 5 puwesto.

Nakamit ng Bulacan-based na si Paragua ang overall fourth place mula sa kanyang superior quotient kontra kay Ma.

Ang nasabing torneo ay bahagi ng preparasyon ng national team na isasabak sa 38th World Chess Olympiad na idaraos sa Istanbul, Turkey.

Isa si Barbosa sa ba­ban­dera sa tropa.

vuukle comment

CIVIL LINES

FILIPINO GRAND MAS

GRANDMASTERS CHESS TOUR

INTERNATIONAL MASTER SHYAM NIKIL

JOHN PAUL GO

LALITH BABU M R

LUDLOW CASTLE SPORTS COM

MA QUN

MARK PARAGUA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with