^

PSN Palaro

University of Visayas, St. Bridget umiskor ng panalo sa SBP National Under 16 basketball tournament

-

BAGUIO CITY, Philippines — Pinadapa ng University of Visayas ang Holy Child School, 81-68, at giniba ng St. Bridget College ang host Uni­versity of Baguio, 75-60, sa 2012 Sa­mahang Basketbol ng Pilipinas National Under 16 dito sa UB gym.

Nagmula sa isang 84-71 panalo kontra sa La Union College of Nursing and Arts ma­tapos mabigo sa kanilang unang laro la­ban sa St. John Institute, kinuha ng UV ang kanilang ikalawang sunod na panalo.

Mula sa 46-50 agwat pagpasok ng final period, ipinalasap naman ng St. Bridget ang ikatlong dikit na kabiguan ng UB .

Sina Ronniel Zyron Bausas, Ralph Ha­roki Ramos at John Paolo Carandang ang nagdala sa opensa ng St. Birdget sa fourth quarter laban sa UB.

Umiskor si Bausas ng 14 sa kanyang game-high 21 points sa final canto.

Nasiyahan naman si Baguio City Ma­yor Reinaldo Bautista, Jr. sa pamamahala ng Samahang Basketbol ng Pilipinas sa nasabing torneo na nagtatampok sa mga regional high school champions.

“We worked hard and consolidated our efforts to make sure all the participating teams, their coaches, officials and parents of the players have fond memories once they return home to their provinces,” ani Bautista.

Samantala, limang laro ang matutung­hayan sa Benguet sa Cordillera Career De­velopment College court at dalawa na­man sa ECI gym.

Makakatapat ng St. Bridget ang ISBB nga­yong alas-9 ng umaga kasunod ang la­ro ng St. Louis at winless JDV sa alas-10 sa girls’ division.

Haharapin ng St. Clare ang LUCNAS sa alas-11:30 at lalabanan ng UST ang Sa­cred Heart sa ala-1:30 ng hapon.

BAGUIO CITY MA

BASKETBOL

CORDILLERA CAREER DE

HOLY CHILD SCHOOL

JOHN PAOLO CARANDANG

LA UNION COLLEGE OF NURSING AND ARTS

PILIPINAS NATIONAL UNDER

RALPH HA

SHY

ST. BRIDGET

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with