MANILA, Philippines - Dumayo si Mexican Juan Esquer sa bansa para talunin si Milan ‘El Metodico’ Melindo.
“I come here prepared. I want to beat Melindo so I can fight for the world title,” sabi ng 25-anyos na si Esquer kahapon sa PSA Forum sa Shakey’s UN Avenue.
Itataya ni Melindo ang kanyang suot na WBO Inter-Continental flyweight crown laban kay Esquer sa Enero 28 sa Waterfront Hotel sa Cebu City.
Bitbit ng 23-anyos na si Melindo ang 25-0-0 win-loss-draw ring record kasama ang 25 KOs kumpara sa 27-9-2 (21 KOs) ni Esquer.
Sinabi ni Esquer na sanay na siyang lumaban sa labas ng Mexico.
“It will not affect me fighting on foreign soil. I’m used to that,” ani Esquer, dating kampeon ng WBC at WBO Latino lightfly division.
Nakaharap na ni Esquer ang anim na world champions, kabilang rito sina Carlos Tamara at Ivan Calderon.
Lalabanan naman ni Mexican Diego ‘Tyson’ Ledesma (18-4-2, 12 KOs) si Filipino featherweight Lorenzo Villanueva (21-0-1, 20 KOs).