^

PSN Palaro

NLEX, Cebuana magpipilit sa finals

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Bubuksan ngayon ng NLEX at Cebuana Lhuillier ang kampanya pabalik sa finals sa pagharap sa magkahiwa­lay na katunggali sa pagsisimula ng semifinal round ng PBA D-League Aspirants’ Cup sa San Juan Arena.

Ang Road Warriors at Gems na inangkin ang unang dalawang puwesto matapos ang elimination round ay nagbabalak na itakda ang muling tagisan sa finals ma­tapos magtuos sa Foundation Cup na dinomina ng tropa ni coach Boyet Fernandez.

Bitbit ang nangungunang 9-1 karta, ang nagdedepen­sang kampeon ay mapapalaban sa Big Chill sa tam­pok na laro na magsisilayan matapos ang unang laro sa ga­­­nap na alas-2 ng hapon sa pagitan ng Gems at Fre­e­go Jeans.

Dumaan sa mas mahirap na landas ang Superchar­gers at Jeans Makers dahil kinailangan nilang talunin ang Blackwater at Boracay Rum sa quarterfinals na nilaro noong nakaraang Huwebes.

Isa pang magpapataas sa kumpiyansa ng tro­pa nina Superchargers’ coach Arsenio Dysangco at Jeans Makers mentor Leo Austria ay ang katotohanang ti­nalo nila ang kanilang mga makakalaban sa natatanging pag­kikita sa eliminasyon.

Umiskor ng 85-83 panalo ang Big Chill kontra sa NLEX, ha­bang isang 71-66 tagumpay naman ang iniukit ng Freego Jeans laban sa Cebuana Lhuillier.

“Mabigat na kalaban ang Big Chill at physical kung sila ay maglaro. Kaya nananalig ako na handa ang mga bata sa ganitong laro at sana ay hindi maulit ang nangyari sa unang pagkikita,” wika ni NLEX coach Boyet Fernandez.

Matapos lasapin ang nasabing kabiguan ay kumuha ng walong sunod na panalo ang Road Warriors dahil na rin sa pagtutulungan nina RR Garcia, Calvin Abueva, Ian Sangalang, Garvo Lanete at Chris Ellis.

Sa mga subok nang manlalaro sa Adamson sa pa­ngunguna nina Alex Nuyles, Janus Lozada at Lester Alvarez isinasandal ni Austria ang paghahabol sa puwesto sa finals.

Ipantatapat naman ni coach Luigi Trillo ang mga be­teranong sina Vic Manuel, Kevin Alas, Terrence Romeo at Jai Reyes para mailapit sa isang panalo ang Gems pa­tungo sa pagbalik sa finals.

vuukle comment

ALEX NUYLES

ANG ROAD WARRIORS

ARSENIO DYSANGCO

BIG CHILL

BORACAY RUM

BOYET FERNANDEZ

CALVIN ABUEVA

CEBUANA LHUILLIER

JEANS MAKERS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with