^

PSN Palaro

Pierce sinandigan ng Celtics

-

WASHINGTON — Hindi nakapaglaro para sa Boston Celtics ang isa nilang star guards at nawala pa ang isa sa second quarter.

Ngunit sa ipinakita ni Paul Pierce, hindi na ito na­­pansin pa.

Umiskor si Pierce ng mga season highs na 34 points at 10 assists at pinan­ta­yan ang kanyang season best na 8 rebounds para pa­ngunahan ang Celtics sa 100-94 panalo laban sa Wa­shington Wizards.

“Paul carried us,” sabi ni Ray Allen, nagkaroon ng isang left ankle injury sa first half. “He played great for us. The team, everybody rallied be­hind him.”

Naglaro ang Boston na wala si point guard Rajon Rondo, naupo sa bench sa ika­lawang sunod na pagkakataon bunga ng kanyang sprained right wrist, habang lumabas naman si Allen ng court matapos ang foul ni Jan Vesely sa 6 1/2 minuto pa sa second quarter.

Naglista naman si Pierce ng 10-for-15 fieldgoals at 12 -of-15 clip sa freethrow line.

Ang kanyang 3 steals ay isa ring season high.

“I’m one of our, if not our main scorer on this ballclub,” wi­ka ni Pierce. “That’s my role. I haven’t been doing a good job of it lately, but a lot of that has to do with just being in game shape, getting my legs stronger, being able to get up and down and jump.”

Naglista si John Wall ng 27 points, 10 rebounds at 7 assists para sa Wizards.

Nagdagdag naman si Nick Young ng 19 points, ha­bang may 13 si JaVale McGee.

Nang malusaw ang iti­nayong 15-point lead ng Celtics sa third quarter ay si Pierce ang kanilang sinan­digan.

Naitabla ng Washington ang laro sa 75-75 sa 9:30 pa sa fourth qurater mula sa isang fast-break alley-oop dunk ni Trevor Booker buhat kay Wall.

Umiskor naman si Pierce ng 10 points ng Boston.

Matapos kunin ng Wi­zards ang 84-83 abante sa huling anim na minuto ng laro galing sa three-point play ni Young, isang jumper ni Pierce ang nag-angat sa Celtics.

Sa iba pang laro, binigo ng Milwaukee ang Miami, 91-82; pinayukod ng Indiana ang LA Lakers, 98-96; giniba ng LA Clippers ang Toronto, 103-91; at dinaig naman ng New Jersey ang Charlotte, 97-87. 

BOSTON CELTICS

JAN VESELY

JOHN WALL

NAGLISTA

NEW JERSEY

NICK YOUNG

PAUL PIERCE

PIERCE

RAJON RONDO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with