MIAMI — Hinayaan nina Chris Bosh at LeBron James na pagtuunan ni Dwyane Wade ang kanyang pagpapagaling.
Umiskor si Bosh ng 30 points, habang may 28 si James para tulungan ang Miami Heat sa 113-92 panalo laban sa Philadelphia 76ers.
Nag-ambag si Mario Chalmers ng 11 points para sa Miami, tinalo ang Philadelphia sa rebounding, 52-31.
Nagkarga ang Heat ng 6-0 record ngayong season nang wala si Wade, iniupo ang kanyang pangatlong laro bunga ng isang sprained right ankle.
At habang nagpapahinga si Wade, tinalo ng Heat ang tatlong division leaders na San Antonio, Los Angeles Lakers at 76ers.
“We looked at this as a huge week, a huge opportunity for us to get on a roll,” sabi ni James.
Tumipa si Lou Williams ng 22 points para sa Philadelphia kasunod ang 16 ni Evan Turner.
Ito ang pang walong kabiguan ng 76ers sa kanilang siyam na pagtatagpo ng Heat simula noong nakaraang season.
Humugot si Bosh ng walo sa unang 11 points ng Miami sa final period, tampok rito ang isang 20-foot jumper sa 9:04 para ibigay sa Heat ang 92-73 lamang.
Umiskor naman ang Philadelphia ng walong sunod na puntos, kasama rito ang isang 3-pointer ni Jrue Holiday, sa 6:43 para sa kanilang 11-point deficit.
Isang driving dunk ni Bosh sa huling 4:44 ang tuluyan nang sumelyo sa panalo ng Miami.
Si Andre Iguodala ay may season-low 4 points para sa 76ers.
Sa iba pang alro, tinalo ng Atlanta ang Cleveland, 121-94; binigo ng Denver ang New York, 119-114; pinayukod ng Detroit ang Portland, 94-91; dinaig ng Dallas ang New Orleans, 83-81; ipinagpag ng Memphis ang Sacramento, 128-95; pinahiya ng Chicago ang Charlotte, 95-89; giniba ng Houston ang San Antonio, 105-102; iginupo ng Oklahoma City ang New Jersey, 84-74; at isinalya ng Utah ang Minnesota, 108-98.