Kerby maglalaro sa Ginebra Kings?
MANILA, Philippines - Hindi pa man natatapos ang 2011-2012 PBA Philippine Cup Finals ay mayroon nang mga trade na ‘niluluto’.
Ilan rito ay ang sinasabing paglipat ni Kerby Raymundo sa Barangay Ginebra mula sa B-Meg.
“Daming (several) trade on the table. It’s that time of the year again,” wika ni Rene Pardo ng Llamados sa kanyang Facebook account..
Para madala ng B-Meg si Raymundo sa Ginebra ay kakailanganin nila ng isang koponan na magsisilbing ‘conduit’ para maplantsa ng trade.
At posibleng pumasok sa eksena ang Barako Bull, dating Air21.
“Nothing final on our end as of now. Puro what if pa lang,” pahabol ni Pardo.
Kailangan ng Gin Kings ang isang big man na kagaya ng 6-foot-6 na si Raymundo dahil na rin sa injury ni Eric Menk.
Parehong napatalsik sa quarterfinal round ng torneo ang B-Meg at Ginebra matapos talunin ng Powerade at Rain or Shine, ayon sa pagkakasunod.
- Latest
- Trending