Bob Arum nainis na kay Mayweather

MANILA, Philippines - Ang pag-ayaw ni Floyd May­weather, Jr. sa isang 50-50 purse split kay Manny Pacquiao ang na­ging huling hibla para hindi na matuloy ang kanilang super bout.

Sa isang panayam ng Bo­xingScene.com, sinabi ni Bob Arum ng Top Rank Pro­motions na hindi na niya papansinin ang anumang pa­hayag na gagawin ni May­weather.

“Apparently he is saying he isn’t going to do a 50-50 deal. So that is the end of the story. Forget about it. This is like craziness,” wika ni Arum.

Personal na tinawagan ng 34-anyos na si Maywea­ther ang 33-anyos na si Pac­quiao noong Huwebes ng gabi.

Hinimok ng American five-division titlist ang Filipino world-eight division champion na maglaban sila sa Mayo 5. 

“He asked about a 50/50 split and I told him no that can’t happen, but what can happen is you can make more money fighting me then you have made in your career,” ani Maywea­ther sa kanilang naging usa­pan ni Pacquiao. “I also let him know I’m in control on my side but he needs to get on the same page with his promoter so we can ma­ke this fight happen.”

Si Arum ang sinasabi ni May­weather na humaharang sa kanilang upakan ni Pac­quiao.

“I don’t want to hear about Mayweather. It is just a waste of time,” wika na­man ni Arum.

Kung gusto ni Pacquiao ng 50-50 purse split para maitakda ang kanilang laban, gusto naman ni May­wea­ther na kontrolin ang de­talye ng kanilang fight con­tract.

“Manny is the box office star, he is the pay-per-view star. He has all the endorsements,” ani Arum. “I would not have done 50-50.”

Kung hindi na puwede si Mayweather, si Miguel Cotto ang sinabi ni Arum na ‘Plan B’ niya para kay Pac­quiao sa Hunyo 9. 

Tinalo ni Pacquiao si Cot­to via 12th-round TKO pa­ra agawin ni ‘Pacman’ ang suot na WBO welterweight crown ng Puerto Ri­can noong Nobyembre ng 2009.

Ang 31-anyos na si Cotto ang bagong WBA junior middleweight beltholder at kasalukuyang nasa isang three-fight winning streak matapos ang kabiguan kay Pacquiao.

Show comments