^

PSN Palaro

Patrombon sinilat si Dium sa 2nd round ng F2 Mens' Futures

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Nakitaan ng pasensya si Jeson Patrombon upang silatin ang third seed na si Antal Van Der Dium ng Netherlands, 6-3, 3-6, 6-1, sa second round ng F2 Men’s Futures sa Eilat, Is­rael.

Hindi minadali bagkus ay naghintay ng tamang ti­yempo si Patrombon para pakawalan ang mga pamatay na tira upang malusutan ang 349th ranked netter na si Van Der Dium.

Umabante si Patrombon sa quarterfinal round ng torneo.

“All the hard work, coaching and training that we have been doing where put into good use in today’s match. Jeson’s win today is a good and positive indication that we have the skills, talent and perseverance to compete in the Pro level,” wika ni coach Manny Tecson sa ipinakitang laro ni Patrombon.

Susunod na babanggain ni Patrombon ay si Marton Fucsovics ng Hun­gary na pinagpahinga ang fifth seed na si Ruan Roe­lofse ng Saudi Arabia, 6-4, 6-4.

Upset man na maitutu­ring, si Fucsovics ay hindi pipitsugin dahil dati siyang Wimbledon Juniors champion at World Number One sa juniors division.

“This is going to be a slug­fest and a hard hitting match between two young up and coming Pro pla­yers in the circuit. Jeson is playing really well and his confidence is on the rise. Anything is possible in tomorrow’s match and the key is to play the big points smart and aggressive,” pahabol pa ni Tecson.

Si Patrombon lamang ang Pinoy na naglalaro sa second leg dahil si Fil-Italian Marc Reyes ay hindi nakalusot sa qualifying round hindi tulad ng manlalaro na tu­bong Iligan City.

ANTAL VAN DER DIUM

FIL-ITALIAN MARC REYES

ILIGAN CITY

JESON

JESON PATROMBON

MANNY TECSON

MARTON FUCSOVICS

PATROMBON

RUAN ROE

SAUDI ARABIA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with