Clijsters umusad, Serena wagi rin
January 19, 2012 | 12:00am
MELBOURNE, Australia - Umusad si defending champion Kim Clijsters sa third round ng Australian Open matapos niyang igupo si Stephanie Foretz Gacon ng France, 6-0, 6-1 nitong Miyerkules.
Nangailangan lamang ang Belgian netter ng 47 minuto para dispatsahin ang kalaban.
Makakasagupa ni Clijsters si Daniela Hantuchova sa susunod na round.
Sa iba pang laban, umusad din si Serena Williams sa second round matapos talunin si Tamira Paszek, 6-3, 6-2.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended