^

PSN Palaro

Patrombon lusot sa 1st round ng Israel netfest

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Pinawi ni Jeson Patrombon ang masamang laro sa first set sa mas agresibong kam­panya sa ikalawa at sa ikatlong set tu­ngo sa 3-6, 6-4, 6-2, panalo laban kay Marko Danis ng Slovak Republic sa pag­bu­bukas ng Men’s Futures 2 men’s singles sa Eilat, Israel.

Parehong mga qualifier sina Patrombon at Danis pero nakuha ng Filipino netter ang mahalagang break nang kunin ang 10th game sa second set upang ma­itabla ang laban sa 1-1 at mahawakan ang mo­mentum.

Mula rito ay tumaas na ang kumpiyansa ng tubong Iligan City netter at umabante sa 5-1 iskor.

Na-break ni Danis si Patrombon sa se­venth game pero binalikan ng dating pam­bato sa juniors division ang katunggali nang hawakan ang triple matchpoint tungo sa tagumpay.

“This tournament in Israel is the right venue and choice to test our skills and training against high level competiton for continued development of our players. Jeson is progressing very positively and with more coaching, training and matches he is getting stronger mentally, physically and tactically in each day we are spending here in this circuit,” wika ni coach Manny Tecson.

 Ang panalo ay nagtulak sa ATP ranking ni Patrombon tungo sa 11 puntos at papasok na siya sa top 800 sa mundo.

Sunod na makakaharap ni Patrombon ang third seed na si Antal Van Der Duim ng Netherlands na pinataob ang wildcard na si Noam Mazor ng Israel.

ANTAL VAN DER DUIM

DANIS

ILIGAN CITY

JESON PATROMBON

MANNY TECSON

MARKO DANIS

NOAM MAZOR

PATROMBON

SHY

SLOVAK REPUBLIC

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with