^

PSN Palaro

Altas netters palaban sa korona

-

MANILA, Philippines - Sisimulan ngayon ang 87th NCAA soft tennis com­petition at ang host Uni­ver­sity of Perpetual Help System Dalta ang siyang napapaboran na magkampeon sa torneo.

Sa Las Piñas Campus ng Perpetual Help bu­­buksan ang aksyon at si league president at policy board chairman Anthony Tamayo ang mangunguna sa maigsing seremonya na magsisimula ganap na alas-7:30 ng umaga.

Ang host school ay ipa­pa­rada sina Joana Jean Carnay, Kezyl Ann Macias, Elizabeth Moran at Noreen Subol sa hangaring mado­mina ang larong itinalaga bilang demonstration sport.

“This is a sport we know that we have a strong chance of perfor­ming and we wish not just our team luck but the rest of the schools as well,” ani Tamayo.

“We’re hoping to do good this year and hopefully we’ll have a strong chance of battling for the title,” segunda naman ni Perpetual coach Samuel Noguit.

Samantala, namumuro naman ang Perpetual na magkaroon ng magarang pagtatapos sa larong vol­leyball dahil ang mga ini­lahok ay nasa itaas o ika­la­wang puwesto sa magkakaibang dibisyon.

Ang Lady Altas ay hindi pa natatalo matapos ang pitong laro habang ang Altas na siyang nagdedepensang kampeon ay kasalo ng Arellano University sa liderato sa 6-0 baraha.

May 4-1 karta naman ang Junior Altas upang ma­lagay sa ikalawang puwesto kasunod ng walang talong Emilio Aguinaldo Brigadiers.

“We’re on track and the school is proud of them,” dagdag pa ni Tamayo.

ANG LADY ALTAS

ANN MACIAS

ANTHONY TAMAYO

ARELLANO UNIVERSITY

ELIZABETH MORAN

EMILIO AGUINALDO BRIGADIERS

JOANA JEAN CARNAY

JUNIOR ALTAS

NOREEN SUBOL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with