^

PSN Palaro

Semis pakay ng Big Chill, Freego Jeans

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Sisikaping ulitin ng Big Chill at Freego Jeans ang panalong naunang kinuha sa Blackwater at Boracay Rum sa pagbubukas ng PBA D-League Aspirants’ Cup quarterfinals ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Unang bakbakan ay sa pagitan ng Superchargers at Elite sa ganap na alas-2 ng hapon at Jeans Makers at Waves dakong alas-4 at kung mangibabaw ang Big Chill at Freego ay aabante na sila sa semifinals.

Dahil tinapos ang single round elimination sa ikatlo at ikaapat na puwesto sa iisang 7-3 baraha, hawak ng Superchargers at Elite ang twice to beat advantage sa katunggali para mas madaling mapagtagumpayan ang planong samahan ang mga semifinalists ng NLEX (9-1) at Cebuana Lhuillier (8-2).

Pero, hindi dapat magkumpiyansa ang tropa ni coach Arsenio Dysangco at coach Leo Austria dahil makakatiyak silang bibigyan ng magandang laban ng Elite at Waves para ma­ihirit ang rubber match.

“Ibang Elite ang makakaharap namin. Ang mga nangyari sa elimination round ay walang halaga na kaya dapat ay mapa­natili namin ang intensity kung gusto naming uma­bot sa semifinals,” wika ni Dysang­co.

Ang Elite ay papasok sa laban mula sa 65-48 pagdurog sa RnW Pacific Pipes para makuha ang ikaanim at huling puwesto na aabante sa playoffs.

“Kinailangan naming du­maan sa mahirap na laro para maabot itong pu­­westo. Nakikita ko ang da­ting tuwa ng mga players ko sa game at ito ang aking sinasandalan na bibitbitin nila sa quarterfinals,” wika ni Elite coach Leo Isaac.

Di hamak na mas ma­lakas ang puwersa ng Jeans Makers sa Waves dahil sa pagkakaroon ng core players mula sa Adam­son sa pangunguna nina Lester Alvarex at Alex Nuyles.

Ngunit handa naman ang tropa ni coach Lawrence Chongson na harapin ang hamong ito tulad ng kanilang ipinakita nang talunin ang PC Gil­more, 71-41, na nagtiyak ng puwesto sa quarterfinals.

“Whoever wants it more will and I believe we are rea­dy,” wika ni Chongson.

vuukle comment

ALEX NUYLES

ANG ELITE

ARSENIO DYSANGCO

BIG CHILL

BORACAY RUM

CEBUANA LHUILLIER

D-LEAGUE ASPIRANTS

FREEGO JEANS

JEANS MAKERS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with