^

PSN Palaro

Mainit na panimula sa Altas netters

-

MANILA, Philippines - Nagbunga ang paghahanda at recruitment na ginawa ng University of Perpetual Help System Dalta sa larangan ng lawn tennis nang ku­nin ang 3-0 panalo laban sa Jose Rizal University sa pagsisimula kahapon ng 87th NCAA competiton sa Rizal Memorial Tennis Center.

Hiniritan ng Altas number two player na si Elson Solon ng 6-3, 6-0, panalo si Raymond Angeles bago sina Russel Ar­cilla, ang kanilang number one ay na­kipagtulungan kay Kim Polerosa 6-0, 6-1, dominasyon laban kina Melvin Ajoc at Allaine Pila sa doubles.

Tinapos ni Jeremiah Macias ang Heavy Bombers sa bisa ng 7-5, 6-4, panalo kontra kay Rhesty Boy Mano tungo sa sweep at 1-0 karta sa torneo.

Masidhi ang hangarin ng Altas na ma­ngibabaw sa kompetisyon dahil noon pang 1996-97 nang huling nanalo ng kam­peonato sa dibisyon ang paaralan na siya ring host school sa taong ito.

“Magandang simula, sana ay magtu­luy-tuloy ito,” wika ni Perpetual coach Belen Dante.

Bago ang labanan ay pinangunahan nina League President Anthony Tamayo ng Perpetual Help at Vince Fabella ng Jose Rizal ang simpleng opening ceremony.

“So far so good.,” wika ni Tamayo na ang paaralan ang tatayong host ng soft tennis na magsisimula bukas sa Perpetual Las Piñas Campus.

vuukle comment

ALLAINE PILA

ALTAS

BELEN DANTE

ELSON SOLON

HEAVY BOMBERS

JEREMIAH MACIAS

JOSE RIZAL

JOSE RIZAL UNIVERSITY

KIM POLEROSA

LEAGUE PRESIDENT ANTHONY TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with