^

PSN Palaro

SBP grassroots program pagtutuunan ng pansin

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Tututok ang Samahang Basketbol ng Pilipinas sa pag­papalakas ng kanilang grassroots programs sa unang hati ng taong 2012.

Sa pagdalo ni SBP exe­cutive director Sonny Barrios at deputy ED Bernie Atienza sa PSA Forum kahapon, ka­nilang ipinaalam ang tatlong national championships sa iba’t-ibang age groups na ilalarga ng asosasyon.

Unang sasambulat ay ang U-16 na gagawin mula Enero 22 hanggang 28 sa Baguio City bago isunod ang U14 sa Pebrero na isang 3-on-3 event at ang huli ay ang U18 sa Mayo na maaaring isabay sa Philippine National Games sa Dumaguete City.

Ang mga kompetisyong ito ay bukas sa kalalakihan at kababaihang manlalaro.

“Mahalaga ang grassroots programs dahil dito luma­labas ang mga pama­lit na stars sa anumang sports. Mabibigyan din ng pagkakataon ang mga ba­tang man­lalaro na maipa­kita ang kanilang husay nga­yon pa lamang,” wika ni Barriors.

Idinagdag ni Atienza na may 15 koponan, 10 sa ka­lalakihan, mula sa limang areas na tinukoy ng SBP ang sasali sa U16.

“Ang mga kasali ay mga kampeon sa limang area championships na na­unang idinaos. Ang paborito dito ay ang Holy Cross of Davao dahil palagian silang palaban sa basketball at UST bukod pa sa host University of Baguio,” pahayag ni Atienza.

Ang iba pang kasali ay ang ST. Clare College-Caloocan, La Union College of Nursing, Arts And Science, St. Bridget School-Batangas, St. John Institute of Bacolod, University of Visayas, Sacred Heart of Jesus Montessori of Caga­yan de Oro at Claret School of Zamboanga.

Ang St. Clare, University of Baguio, Sta. Isabel Na­ga, Assumption Davao at isang koponan mula sa Dagupan City, Pangasi­nan ang magtutuos sa wo­men’s division.

ANG ST. CLARE

ARTS AND SCIENCE

ASSUMPTION DAVAO

ATIENZA

BAGUIO CITY

BERNIE ATIENZA

CLARE COLLEGE-CALOOCAN

CLARET SCHOOL OF ZAMBOANGA

SHY

UNIVERSITY OF BAGUIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with