NBA tutulong sa mga biktima ni 'Sendong'
MANILA, Philippines - Tutulong ang NBA gamit ng kanilang NBA Cares program sa mga biktima ng bagyo sa Pampanga at Cagayan De Oro City.
Magbibigay ng kanilang mga donasyon ang NBA sa mga nasalanta sa dalawang probinsyang ito kapag binisita ang Pampanga at Cagayan De Oro sa gagawing 2012 Jr. NBA Camp.
Ito ang unang pagkakataon na maisasama ang dalawang lugar sa iikutin ng Jr. NBA na isinagawa sa bansa mula pa noong 2007.
“The NBA will be donating some products as well as our sponsors Alaska and Gatorade to help the victims get back to their own lives,” wika ni NBA country manager Carlo Singson.
Ang Alaska ang tutulong uli sa ikalawang sunod na taon, habang si NBA veteran Martin Conlon, Jr. ang siyang itinalaga bilang bagong camp director.
“We believe the program will create opportunities for the youth to develop active lifestyle through basketball as well as to promote the values of sportsmanship, teamwork, positive attitude and respect which will make them a better person,” wika ni Alaska Milk Corporation President at CEO Wilfred Uytengsu.
- Latest
- Trending