Patrombon, Reyes napatalsik sa F1 Futures event

MANILA, Philippines - Nakawala kina Jeson Pa­trombon at Marc Reyes ang mahalagang kalama­ngan sa second set dahilan upang magwakas na ang kampanya sa F1 Futures sa Eilat, Israel sa tinamong 2-6, 5-7 kabiguan kina Jean Andersen at Ruan Roe­lofse ng South Africa.

Sinikap nina Patrombon at Reyes na maitabla ang laro sa second set at na­muro nang hawakan ang 5-4 bentahe.

Pero lumamya ang la­rong naipakita sa sumunod na tatlong game para ma­bigong makaabante sa unang pagkakataon sa fi­nals sa men’s doubles.

Bigo man ay taas noo pa ring lilisanin ng dalawang Filipino netters ang tor­neo dahil umani sila ng ma­halagang ATP points ma­tapos ang pag-usad sa semifinals sa unang pag­kakataon sapul nang nag­sanib-puwersa noong na­karaang taon.

Sasali pa rin ang dalawa sa F2 na gagawin sa linggong ito sa nasabi ring lugar pero pareho silang da­daan sa qualifying round pa­ra makapasok sa main draw sa men’s singles.

Si Patrombon ay naunang napasok agad sa main draw sa F1 at naka­abot ng second round bago nasibak.

Handa naman sina Pa­trombon at Reyes na ha­rapin ang hamon ng ibang qualifiers para mas humusay sila bilang paghahanda sa sunod na malalaking tor­neo.

Show comments