^

PSN Palaro

Diaz at Quillotes inaasahang makakalaro sa 2012 Olympics

-

MANILA, Philippines - Bukod kina boxer Mark Anthony Barriga at long jumper Marestella Torres, dalawa pang Filipino athletes ang inaasahang makakakuha ng tiket para sa 2012 Olympic Games sa London.

Ang dalawa ay magmumula sa weightlifting at judo.

Inihayag kahapon ni weightlifting association president at Philippine Olympic Committee (POC) chairman Monico Puentevella na tiyak nang makakalaro si lady weightlifter Heidilyn Diaz sa 2012 London Games.

Ito ay sa dahilang No. 7 si Diaz sa world ranking at na­katakda pang sumabak sa Olympic qualifying tournament sa Korea sa Abril.

“Heidi is currently ranked seventh in the world in the 58-kilogram division and only needs to perform credi­tably in the last qualifying round this coming April 23-30 in Pyeongtack City in Korea,” ani Puentevella kahapon sa lingguhang SCOOP sa Kamayan sa Padre Faura, Manila.

Nakasali na ang 20-anyos na si Diaz sa Olympic Ga­mes noong 2008 sa Beijing, China bilang isang wildcard entry.

 Isa naman kina 2011 Southeast Asian Games gold me­dalist Nancy Quillotes at Fil-Japanese Tomashiko Ho­shina ng judo ang maaaring makabiyahe sa London.

Ngunit ito ay depende sa magiging resulta sa kanilang la­lahukang tatlong kompetisyon.

“The Asian federation has already assured the Philippines of at least one qualifier and because of Nancy’s gold medal finish in the last SEA Games,” ani national ju­do coach Rolan Llamas kay Quillotes, No. 8 sa Asian wo­men’s standing, habang No. 17 si Hoshina.

DIAZ

FIL-JAPANESE TOMASHIKO HO

HEIDILYN DIAZ

LONDON GAMES

MARESTELLA TORRES

MARK ANTHONY BARRIGA

MONICO PUENTEVELLA

NANCY QUILLOTES

OLYMPIC GA

OLYMPIC GAMES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with