Patrombon-Reyes tandem pasok sa semis

MANILA, Philippines - Nagbunga rin ang tambalan nina Filipino netters Jeson Patrombon at Marc Reyes sa doubles nang kalusin nila ang second seeds na sina Gleb Sakharov ng France at Mike Vermeer ng Luxembourg sa mahigpitang 6-2, 4-6 (12-10) sa idinadaos na F1 Futures sa Eilat, Israel.

Nakitaan ng pride sina Patrombon at Reyes sa ka­tung­gali lalo na sa tie break upang makuha ang panalo at makaabante na sa semifinals.

Ito ang unang pagkakataon na nakapasok sa semis ang tambalan na binuo noong nakaraang taon.

Unang ATP point sa doubles ang maitatala ni Reyes habang ikalawa naman ang kay Patrombon dahil ang dating tambalan nila ni Dennis Lajola ay nakitaan ng paglalaro nila sa Final Four sa Laos Men’s Futures.

“Jeson and Marc’s partnership is getting better in each tournament they have competed in and it’s a diffe­rent feeling when you have two Pinoys playing with each other and winning against players from other countries,” wika ni coach Manny Tecson.

Ang puwesto sa finals ay paglalabanan nina Patrombon at Reyes kontra kina Russians Jean Andersen at Ruan Roelofse na nangibabaw kina Norbert Gombos at Adrian Partl ng Slovak Republic sa ma­tensyon na 6-7 (1), 6-2 (10-3) panalo.

Ang panalo sa doubles ni Patrombon ay pumawi sa pagkatalo niya kay 6’6 second seed Maxim Dubarenco sa labang inabot ng tatlong sets, 6-4, 3-6, 6-1.

Show comments