^

PSN Palaro

Ex-PBA stars ng SSC tatakbo sa 2nd Stags Run 2012

-

MANILA, Philippines - Makikiisa ang mga da­ting kilalang basketbolista ng San Sebastian College sa paglarga ng 2nd Stags Run 2012 sa Enero 15 sa ASEANA City sa harap ng Department of Foreign Affairs.

Sina Paul Alvarez at Rom­mel Adducul ang mga mangunguna sa mga kilalang basketbolistang nagpasikat sa Stags na makikiisa sa programa para patingkarin ang proyektong tinagurian din bilang “Takbo para sa Edu-Misyon.”

Sina Stags coach To­pex Robinson, Calvin Abueva, Ian Sangalang, Ronald Pascual at Anthony Del Rio ay sasali rin sa pa­takbo na ang layunin ay makalikom ng pondo na ilalaan sa educational missions sa Palawan at West Africa.

“We encourage not just our alumni but also others to join in our race because this is really being done for a cause,” wika ni Fr. Anthony Morillo, OAR na siya ring pangulo ng San Sebastian College- Recoletos.

Lalahok din si Pasay City Mayor Antonino Calixto na nag-aral sa San Sebastian sa kaganapan na isasabay din sa paggunita sa ika-65th founding anniversary ng paaralan.

Ang labanan ay sa 3K, 5K at 10K at magsisimula ang patakbo mula alas-6 ng umaga.

Halagang P500 ang registration fee sa lahat ng kategorya at ang top three sa 10K ay tatanggap ng P6,000, P4,000 at P2,000, ang 5K ay may P5,000, P3,000 at P2,000 at 3K ay mayroong P3,000, P2,000 at P1,000 premyo.

 “We hope to attract and draw as many participants as last year but if we could get more to join our event, the better for everybody,” pahabol ni Fr. Christopher Maspara, OAR, pa pinuno ng organizing committee.

vuukle comment

ANTHONY DEL RIO

ANTHONY MORILLO

CALVIN ABUEVA

CHRISTOPHER MASPARA

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

IAN SANGALANG

PASAY CITY MAYOR ANTONINO CALIXTO

RONALD PASCUAL

SAN SEBASTIAN

SAN SEBASTIAN COLLEGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with