^

PSN Palaro

Jong kumalas na sa Ginebra

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Wala na sa Barangay Gi­nebra ang kanilang coach na si Joseph “Jong” Uichico.

Si Uichico ay pinahintu­lutan na ng Barangay Ginebra na mapabilang bilang isa sa mga coaches ng men’s basketball team na magbabaka-sakaling masama sa world basketball.

May dalawang titulo na naibigay si Uichico sa Ba­rangay Ginebra bukod pa sa anim sa San Miguel Beer sa halos 10 taong pa­ninilbihan sa dalawang koponan.

Hindi naman bago na para sa beteranong men­tor na dating naglaro rin sa national team sa pa­ma­magitan ng Northern Cement, ang pagtulong sa national team dahil noong 2002 ay siya ang umupong head coach sa koponang tumapos sa pang-apat na puwesto sa Busan Asian Games.

Matapos manilbihan sa Northern Cement sa ilalim ni coach Ron Jacobs, lumipat siya sa San Miguel noong 1999 para maging head coach at nagkampeon agad sa Commissioners at Go­vernors Cup para wakasan ang limang taong kawalan ng titulo.

Bago binitiwan, si Uichi­co at Siot Tanquincen ang nagtulong sa Barangay Gi­nebra sa huling confe­rence.

Naghahanap ng mga pool of coaches para sa men’s team na kilala rin bilang Smart Gilas Pilipinas dahil tinanggal na si Serbian coach Rajko Toroman matapos mabigo sa adhikain na maipasok ang Pilipinas sa 2012 London Olympics.

Ang dating national coach na si Chot Reyes bukod pa kina Norman Black at Tim Cone ang ibang pa­ngalan na sinisilip para humawak sa Gilas.

vuukle comment

BARANGAY GI

BARANGAY GINEBRA

BUSAN ASIAN GAMES

CHOT REYES

LONDON OLYMPICS

NORMAN BLACK

NORTHERN CEMENT

RAJKO TOROMAN

RON JACOBS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with