^

PSN Palaro

Nangangamoy finals sa Petron

-

MANILA, Philippines - Ipinamalas uli ng beteranong si Danny Ildefonso ang kanyang kakayahan na balikatin pa ang Petron Blaze nang maghatid ito ng 22 puntos sa 85-82 come-from-behind panalo laban sa Talk N’Text sa PBA Philippine Cup semifinals sa Araneta Coliseum.

Ang naitalang puntos na ito ng 35-anyos, 6’6 cen­ter na si Ildefonso ang pinakaproduktibo niya sa huling apat na taon at tinulungan niya ang kanyang koponan na lumapit sa isa pang panalo upang makuha ang best-of-seven series sa 3-1 karta.

“Galing ako sa therapy dahil nagkaroon ng tear yung kanang binti ko. Pero salamat talaga sa Diyosat prinotektahan niya ako at binigyan ng lakas para sa game ngayon,” wika ng 2000 at 2001 MVP na tu­ma­pos taglay ang 11 of 14 shooting bukod pa sa paghablot ng 8 rebounds.

Pinakamalaking buslo niya ay ang 12-footer na nagbigay 83-82 kalama­ngan may 22 segundo sa orasan.

 “Andoon yung composure ng players. Hindi nagpa-panic at made sila sa ganitong sitwasyon. Ginamit nila yung mga experien­ces nila lalo na si captain ball na si Danny kahit may nararamdaman siya,” pagpupugay ni coach Renato Agustin.

Si Alex Cabagnot ang siya namang nagpaningas sa maalab na paglalaro ng Petron sa huling yugto nang maghatid ito ng da­lawang tres at lahat ng kan­yang walong puntos upang tulu­yang makuha na ng koponan ang momentum sa Tropang Texters na luma­mang ng hanggang 10 puntos, 50-40, sa kaagahan ng ikatlong yugto.

Binuksan ni Cabagnot ang huling yugto gamit ang isang tres habang apat na sunod na puntos ang ibinigay ni Ildefonso para kunin na ng Petron ang 67-66 kalamangan.

 Huling tikim ng bentahe ng nagdedepensang kampeon ay sa 82-81 sa free throws ni Ali Peek sa foul ni Ildefonso ngunit bumawi ang tubong Urdaneta, Pangasinan sa pangyayari sa isang jumper sa sumunod na play.   

 Sablay ang tres ni Ranidel De Ocampo at si Chris Lutz ay nabigyan ng free throw shots sa foul ni Peek para ilayo sa tatlo ang nagwaging koponan.

Tuluyang natapos ang laban nang magkasunod na nagmintis sa buslo sa tres sina De Ocampo at Jimmy Alapag. (Angeline Tan)

PETRON 85 - Ildefonso 22, Lutz 13, Yeo 13, Cabag­not 8, Santos 7, Reyes 6, Sharma 6, Miranda 5, Tugade 3, Baclao 2.

TALK N’ TEXT 82 - Reyes 17, De Ocampo 15, Castro 13, Dillinger 9, Peek 9, Fonacier 6, Williams 5, Carey 4, Alapag 3, Aguilar 1.

Quarterscores: 22-23, 38-44, 60-66, 85-82.

ALI PEEK

ANGELINE TAN

ARANETA COLISEUM

CHRIS LUTZ

DANNY ILDEFONSO

DE OCAMPO

ILDEFONSO

JIMMY ALAPAG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with