MANILA, Philippines - Aminado si Wilfredo Vazquez, Jr. na mas mataas sa kanya si Nonito 'The Filipino Flash' Donaire, Jr.
Ngunit sinabi ng Puerto Rican fighter na hindi ito magiging hadlang para talunin niya si Donaire.
“Donaire is a southpaw and he is much taller than I am but trust me… I like to fight against taller guys because it’s easy,” ani Vazquez kahapon. “To have the same height and reach as an opponent is more difficult. Our reach is similar even though he’s an inch or two taller.”
Paglalabanan ng 29-anyos na si Donaire at ng 27-anyos na si Vazquez ang bakanteng World Boxing Organization (WBO) super bantamweight title sa Pebrero 4 sa Alamadome sa San Antonio, Texas.
Umiskor si Donaire sa isang unanimous decision win laban kay Omar Narvaez ng Argentina sa kanyang pagtatanggol sa mga suot na World Boxing Council (WBC) at World Boxing Organization (WBO) belts noong Oktubre 22 sa Madison Square Garden.
Inaasahan ni Vazquez na maninibago ang katawan ni Donaire sa kanyang pag-akyat ng weight division.
"He is moving up in weight and he’s thin and has nowhere else to grow," sabi ni Vazquez. "Now we have to see if he can absorb big punches from a kid that is 122 pounds one day and 135 pounds on fight night."
Bitbit ni Donaire ang 27-1-0 win-loss-draw ring record kasama ang 18 KOs kumpara sa 21-1-1 (18 KOs) card ni Vasquez.