^

PSN Palaro

FESSAP makikipagtulungan sa PSL sa pagsala ng mga swimmers para sa 2013 World Universiade

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Magsisimula na ang Fe­deration of School Sports Association of the Philippines (FESSAP) sa pagpili ng mga swimmers na maaaring ipadala sa 2013 World Universiade sa Russia.

Makikipagtulungan ang FESSAP sa Philippine Swimming League na nasa pangangalaga ni dating Senador Nikki Coseteng at Olympian Susan Papa dahil ang PSL ay magsasagawa ng All-Star University Challenge sa Rizal Memorial Swimming Pool mula sa Marso 24 hang­gang 25.

Ang nasabing torneo ang pinakamagandang pag­sipatan ng mga posibleng manlalangoy sa Russia dahil ang mga magla­laro rito ay mga collegiate players.

Ang mga mapipili ay ila­lagay sa pool na sasanayin para maging palaban sa Universiade.

“We are glad the PSL is helping prepare the candidates for the Universiade Swimming team as early as now,” wika ni FESSAP EVP Robert Calo.

Tiniyak naman ni Papa na makakatuklas ng mga mahuhusay na swimmers matapos ang All-Star Challenge dahil lalahok dito ang mga bigating mag-aaral na manlalangoy.

“This is the chance for varsity students who have not participated in international events like the SEA Games and Asian Games to earn the right and represent the country in the prestigious event like the Universiade. We expect big turnout in our All Star Challenge,” wika ni Papa.

Ang FESSAP ang samahang kinikilala ng International University Sports Federation (FISU) para siyang magpadala ng kinatawan mula sa Pilipinas sa Universiade.

ALL STAR CHALLENGE

ALL-STAR CHALLENGE

ALL-STAR UNIVERSITY CHALLENGE

GAMES AND ASIAN GAMES

INTERNATIONAL UNIVERSITY SPORTS FEDERATION

OLYMPIAN SUSAN PAPA

PHILIPPINE SWIMMING LEAGUE

RIZAL MEMORIAL SWIMMING POOL

UNIVERSIADE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with