Rose, Deng nagbida sa pagsuwag ng Bulls sa Magic

 ORLANDO, Fla.--Nagtuwang sina Derrick Rose at Loul Deng para tulungan ang Chicago Bulls sa 97-83 panalo laban sa Orlando Magic.

Umiskor sina Rose at Deng ng tig-21 points at pinigil ng Chicago ang isang fourth-quarter surge ng Orlando patungo sa kanilang pang-anim na su­nod na arangkada.

May 7-1 rekord ngayon ang Bulls kumpara sa 5-3 ng Magic. Nagdagdag naman si Carlos Boozer ng 20 points para sa Bulls na nagposte ng isang 17-point lead bago ito napababa ng Magic sa tatlong puntos.

Isinara ng Chicago ang fourth quarter mula sa isang 17-6 run at nanatili sa kanilang porma sa kabila ng iniskor ng 4 points lamang ni Rose sa huling 12 minuto ng naturang laro.

“Anything to win,” sabi ni Rose. “That was the whole mindset. Just try to get out aggressive. Try to get guys going early. That was the whole game plan.”

Nagustuhan naman ni Bulls’ head coach Tom Thibodeau ang ginawang adjustments ni Rose nang tinangka siyang patahimikin ng Magic sa kabuuan ng second half.

“He’s got a quick array of shots and he knows what he has to do,” wika ni Thibodeau kay Rose. “When he needed to score, he scored. He did a really great job of playmaking.”

Pinangunahan ni Dwight Howard ang Magic mula sa kanyang 28 points at 15 rebounds, habang may 17 markers si Jason Ri­chardson.

Show comments