^

PSN Palaro

Gold sa athletics sa 26th SEAG posibleng madagdagan

- Ni AT -

MANILA, Philippines - Posibleng madagdagan pa ng isang ginto ang Pilipinas sa idinaos na 26th SEA Games nang bumagsak sa doping test ang isang atleta ng Malaysia na kasapi ng nagkampeon men’s 4x400m relay team sa athletics.

Nangibabaw ang quartet nina Subra­maniam Kannathasan, Paneerselvam Yuvaaraj, Schzuan Rosely at Muhamad Yunus Lasaleh sa nasabing event sa bilis na 3:10.49.

Mas mabilis sila ng 26 segundo sa pu­mangalawang Pilipinas na binuo nina Junrey Bano, Edgardo Alejan, Julius Nierras at Archand Christian Bagsit na nagtulung-tulong sa 3:11.16.

Pumangatlo sa datingan ang koponan ng Thailand sa 3:14.90.

Ngunit sa isinagawang doping test ng organizing committee, lumabas na isang Malaysian runner ang bagsak sa pag­susuri. Isa pang manlalaro ng nasabing bansa sa weightlifting na umani ng bronze medal ang lagpak din at posible ring bawian ng medalya.

Kinukuhanan ng dalawang samples ng ihi ang mga nanalong atleta sa SEA Games para suriin kung gumagamit ba ito ng ipinagbabawal na gamot.

Hinihintay pa ang resulta sa ikala­wang sample ng kinukuwestiyon na mga Malaysian athletes bago tuluyang ideklara na babawiin ang mga medalyang napanalunan.

Kung magkakaganito, ang Pilipinas ang aakyat sa unang puwesto sa na­sabing event at mahahagip ang ika-37th ginto sa pangkalahatan at ikatlo naman sa delegasyon ng PATAFA.

Tila suko na ang Malaysian sports authorities sa kapalaran ng mga atletang kinukuwestiyon.

Kung maigagawad ang gintong me­dalya, sina Bano, Alejan, Nierras at Bagsit ay magkakaroon ng dagdag insentibo na P50,000 na kanilang paghahatian pa.

ALEJAN

ARCHAND CHRISTIAN BAGSIT

BAGSIT

EDGARDO ALEJAN

JULIUS NIERRAS

JUNREY BANO

MUHAMAD YUNUS LASALEH

PANEERSELVAM YUVAARAJ

PILIPINAS

SCHZUAN ROSELY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with