MANILA, Philippines - Hinirang si Romi Garduce bilang kauna-unahang Filipino na umakyat ng “Seven Summits” o ang pinakamatataas na bundok sa pitong kontinente.
Kinumpirma ng isang source ang pag-akyat ng 41-anyos na tubong Balanga, Bataan at University of the Philippines mountain climber sa itaas ng 16,067-foot Vinson Massif sa malamig na bahagi ng Antartica.
Sinamahan ng kapwa niya UP mountaineer na si Levi Nayahangan, ang pagsakop ni Garduce sa Vinson Massif, ang pang anim na pinakamataas na bundok at isa sa pinakamalamig na akyatin sa Seven Summits.
Nauna nang naakyat ni Garduce ang Mt. Kilimanjaro (South Africa noong 2002), Mt. Aconcagua (South America noong 2005), Mt. Everest (Asia noong 2006), Mt. Elbrus (Europe noong 2007), Denali Peak (North America noong 2008), Mt. Kosciousko (Australia noong 2008) at ang Carstenz Pyramid (Oceana noong Hulyo ng 2011).