^

PSN Palaro

Azkals vs CFIM ngayon na!

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Magkakasubukan nga­yon ang pinagsamang lakas ng Philippine Azkals at mga stars ng United Football League laban sa bisitang CF Internacional de Madrid sa charity game na lalaruin sa Rizal Memorial Football Stadium.

Tinaguriang “Dili kamo nag-iisa”, ang tagisang mapapanood mula alas-4 ng hapon ay naglalayong mangalap ng pondo para itulong sa mga nasalanta ng bagyong Sendong sa Mindanao.

Ganito man ang layu­nin ay todo laro ang matu-tunghayan sa magka­bilang panig na nais na magpa­siklaban sa kung sino ang mas mahusay kung paglalaro ng football ang pag-uusapan.

Club team ang bisitang koponan ngunit idineklara na ng kanilang opisyales na hindi sila patatalo dahil bitbit nila ang mataas na reputasyon ng Spain kung football ang pag-uusapan.

Kahapon lamang dumating ang bisitang kopo­nan bagay na maaring ka­pitalisahin ng Azkals pa­ra makuha ang panalo.

Sina strikers Phil Young­husband, Ian Araneta at Nate Burkey, central midfielder na Phil-Spanish Angel Guirado, midfielders Chieffy Caligdong at goal keeper Eduard Sacapano na kasapi ng Azkals at sariwa sa paghamon sa LA Galaxy noong Disyembre, ang mangunguna sa pambansang koponan.

 Ang mga tiningalang manlalaro sa Spanish lea­gue na sina Rufino Sanchez at Julian Bautista ang babandera naman sa bisitang koponan.

Ang laban ay maihahatid ng live sa Studio 23 habang ang Philippine Red Cross ang siyang bene­ficiary sa makukuhang pon­do.

AZKALS

CHIEFFY CALIGDONG

EDUARD SACAPANO

IAN ARANETA

JULIAN BAUTISTA

NATE BURKEY

PHIL YOUNG

PHIL-SPANISH ANGEL GUIRADO

PHILIPPINE AZKALS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with