^

PSN Palaro

Atleta na walang medalya sa 26th SEAG, 'di bibigyan ng pondo, ayon kay Garcia

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Kailangan ng mag­ha­nap ng ibang pagkukunang pondo ang mga National Sports Associations (NSAs) na hindi nanalo ng medalya sa idinaos na 26th SEA Games.

Sa napagkasunduan sa unang PSC board mee­ting nitong Miyerkules, ang mga medalists lamang ng SEAG sa Indonesia na gi­nanap noong Nobyembre at sampung prioritized sports ang pagtutuunan ng pondo ng Komisyon sa 2012.

May 150 medalists sa individual sports ang tata­wa­ging elite athletes na bibigyan din ng matinding pagsasanay para sa 2013 Myanmar Games.

“The PSC will no longer support athletes and NSAs na walang medalya sa hu­ling SEA Games. They will have to look for their own sponsors for their athle tes to win medals and be part of the elite team next year,” wika ni PSC chairman Ricardo Garcia sa lingguhang POC-PSC Radio Program.

Sa nasabing plano, ang dating P400 million na inilaan sa mga NSAs sa 2011 ay magiging P200M na lamang dahil ang P100M ay para sa elite at ang isa pang P100M ay para sa PSC grassroots programs.

Bago umalis ang Pambansang delegasyon ay nagsabi na ang PSC na walang pondong makukuha ang mga NSAs na nagpilit na sumama sa SEA Games na hindi mananalo.

Pinangatawanan ng PSC ang pahayag matapos umani ng pambabatikos sa kinalabasan ng kampanya na anila ay hindi nararapat dahil pagpondo lamang ang papel nila sa delegasyon.

Tumapos ang Pilipinas sa ikaanim na puwesto taglay ang pinakamababang napanalunang gintong medalya sa huling 10 taong paglahok sa SEA Games na 36 ginto bukod pa sa 56 pilak at 77 bronze medals.

Dahil sa pangyayari ay mismong si Pangulong Benigno Aquino III ang nag-utos sa PSC na pum­ili na lamang ng sports na ma­aaring makapaghatid ng karangalan sa bansa sa mga malalaking torneong nilalahukan. 

Pero bago ipairal ang bagong patakaran ng PSC ay dapat muna nilang lina­win ang kahulugan ng mga priority sports lalo pa’t hindi naman lahat ng Olympic sports ay masasakop nito.

 

DAHIL

KAILANGAN

KOMISYON

NATIONAL SPORTS ASSOCIATIONS

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PSC

RADIO PROGRAM

RICARDO GARCIA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with