^

PSN Palaro

Non-Performing NSAs

AMBETHABOL - Beth Repizo Meraña -

Heto na naman ang pagbubukas ng taon at natural lamang ang pagrerebisa ng mga natapos at uumpisahan na gawain.

Sa mga nakaraang taon, hindi lang iyong 2011, lagi nating pinupuna ang kawalang direksyon ng mga National Sports Associations (NSAs). 

Marami sa mga namumuno sa NSAs na ito ay dekada na ang binibilang. Kumbaga nilulumot na sila sa kanilang puwesto.

Pero kahit na doon sila nagkaputing buhok at na­ngu­lubot ang balat sa kanilang mga puwesto, wala pa ring nagagawang matino sa kanilang asosasyon ang karamihan sa mga lider ng NSAs.

Pinuna natin noong mga nakaraang kolum ang Phi­lippine Sports Commission (PSC) at Philippine Olympic Com­mittee (POC), pero isa rin sa factor sa pagbaba ng performance ng Pilipinas sa sports, ay ang mga NSAs na walang nagawa nitong huling dekada.

Para sa atin, panahon na upang palitan ng mga ba­go (at kung maaari ay bata) na lider ang mga nasa NSAs. Karamihan kasi sa mga lider sa ngayon sa NSAs ay napiga na at nakapagpayaman na. 

Panahon   na para mag-infuse ng mga bagong dugo at bagong ideya sa NSAs,.

Huwag na sanang magkapit-tuko (tulad ng mga ilang opisyales natin sa gobyerno) ang mga NSAs. La­gi nilang sinasabi sa kanilang mga press release na nag­mamalasakit sila sa sports at sa mga atleta, pero ang totoo ang kanilang pinagmamalasakitan ay ang ka­nilang pansariling interes at ang kanilang mga bulsa.

Dapat ang iprayoridad ng PSC ay ang mga atleta at hindi ang mga NSAs. Ang mga atleta ang dapat na bigyan ng pondo, hindi ang NSAs.

Pero siyempre, kahit na ano ang sabihin ng POC, prayoridad pa rin nila ang NSAs dahil ang boboto sa mga lider ng POC ay ang mga opisyal na nasa NSAs, hindi ang atleta.

Tama lamang ang balakin ng ating mga Congressman na ang mga mahuhusay at may pontensyal na athlete ang bigyan ng kinakailangang pondo, hindi ang NSAs na ang opisyal ay naka-ilang dekada na pero bag­sak pa rin ang kanyang sport sa ranking kahit sa Southeast Asia lang.

Totohanin na ng PSC ang banta nito na babawasan ng 50 porsiyento ang pondo ng mga NSAs na hindi nagpe-perform. 

Panahon na rin para maging accountable ang mga NSAs kung saan napupunta ang mga pondo na ibinibigay sa kanila.

Panahon na para kalusin ang mga non-performing NSAs.

NATIONAL SPORTS ASSOCIATIONS

NSAS

PANAHON

PERO

PHILIPPINE OLYMPIC

SHY

SOUTHEAST ASIA

SPORTS COMMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with