^

PSN Palaro

Donaire umaasa ng maaksyong laban kay Vazquez

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Inaasahang magiging hitik sa aksyon ang banggaan nina Noni­to ‘The Filipino Flash’ Do­naire, Jr. at Wilfredo Vazquez, Jr. sa Pebrero 4 sa Alamado­me sa San Antonio, Texas.

“I know that Vazquez Jr., not only is he a good per­son -- a great guy -- but I know that he comes out there to fight,” sabi ni Do­naire sa kanilang press con­ference kahapon.

Nakatakdang pag-aga­wan ng 29-anyos na si Do­naire at ng 27-anyos na si Vazquez ang bakanteng World Boxing Organization (WBO) super bantamweight belt.

Tangan ni Donaire, nag­­kampeon sa flyweight di­vision ng International Bo­xing Organization (IBO) at International Boxing Fede­ration (IBF), ang kanyang may 27-1-0 win-loss-draw ring record kasama ang 18 KOs kumpara sa 21-1-1 (18 KOs) slate ni Vasquez.

Nagmula si Donaire mula sa isang matagum­pay na pagtatanggol sa kan­yang mga bitbit na World Boxing Council (WBC) at World Boxing Or­ganization (WBO) bantamweight title laban kay Omar Nar­vaez noong Oktubre 22 sa Madison Square Gar­den.

Ang WBC at WBO ban­tamweight crowns ni Do­naire ay nanggaling sa kanyang second-round TKO win kay Mexican Fernando Montiel noong Pebrero 19 kung saan ito ay hinirang bilang “Knockout of the Year” mula sa RingTV, ESPN at Sports Illustrated.

Tumatayo bilang No. 8 si Vazquez sa The RING Magazine.

Si Vazquez ay ang da­ting WBO super bantamweight ruler bago nabigo kay Mexican Jorge Arce via 12th-round TKO noong Ma­yo 7, 2011.

Iniwan ng 32-anyos na si Arce ang naturang super bantamweight title para bumaba sa bantamweight class.

DONAIRE

FILIPINO FLASH

INTERNATIONAL BO

INTERNATIONAL BOXING FEDE

KNOCKOUT OF THE YEAR

MADISON SQUARE GAR

MEXICAN FERNANDO MONTIEL

MEXICAN JORGE ARCE

OMAR NAR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with