Cafe France nakalusot sa Freego

MANILA, Philippines - Magandang bagong ta­on ang inangkin ng Cafe France nang pataubin ang Fre­ego Jeans, 78-76, sa pagbabalik-aksyon ng PBA D-League Aspirant's Cup ka­hapon sa The Arena sa San Juan.

Nag-init ang mga kamay ni Jeff Viernes nang pa­kawalan ang huling siyam na puntos ng kanyang ko­ponan para sa kanilang 3-5 baraha at patibayin ang tsansa sa quarterfinal round.

Tumapos si Viernes na may 24 puntos at ang kan­yang pagbibida sa endgame ang nagkumpleto sa pagbangon ng Bakers mu­la sa 67-71 pagkakaiwan.

Nalaglag ang Freego Jeans sa 6-3 karta at nga­yon ay nakasalo sa pahi­ngang Big Chill sa ikatlo at ika­apat na puwesto.

Binuwenas din ang na­ngungunang Cebuana Lhuillier (8-1) sa pagkatalong ito ng tropa ni coach Leo Austria dahil naibigay sa Gems ang unang aw­­tomatikong semifinals berth dahil tanging ang NLEX lamang ang may ka­­kayahang tumapos sa wa­long panalo.

Lumapit ang nagdedepensang Road Warriors sa inaasam na insentibo nang ilampaso ang Boracay Rum, 77-54, habang binigo ng PC Gilmore sa DUB Unlimited, 84-75.

(Angeline Tan)

Café France 78 – Vier­nes 24, Guillen 14, Mabayo 12, Montilla 10, Parala 8, Antipuesto 8, Magbitang 2, Alquisalas 0, Dumapig 0, Lucernas 0, Jasmin 0.

Freego Jeans 76 – Nuyles 22, Camson 13, Alvarez 10, Apinan 9, Austria 8, Manyara 4, Brondial 3, Cabrera 3, Monteclaro 3, Lopez 1, Sumalinos 0, Lozada 0.

Quarterscores: 13-17; 32-41; 61-60- 78-76.

Show comments