MANILA, Philippines - Idaraos ng Bucor Love Foundation ang ‘First Yellow Ribbon Project’ na isang fund-raising event para sa mga proyekto ng Yellow Ribbon Foundation.
Kabilang sa mga proyekto ng Yellow Ribbon Foundation ay ang transformation programs (in-care programs), at reintegration programs (aftercare programs and services).
Ito ay bilang suporta sa mga proyekto ng Bureau of Corrections at ng Department of Justice para sa pagbabagong-buhay ng mga bilanggo.
Humugit-kumulang sa 100,000 estudyante mula sa Maynbila ang inaasahang lalahok sa naturang fun run na nakatakda sa Marso 25.