Pacquiao mapapabagsak na ni Marquez kung...

MANILA, Philippines - Kung muling magka­ka­­harap sina Manny Pac­quiao at Juan Manuel Mar­­quez sa pang apat na pagkakataon, ibang Mexican fighter na ang makaka­sagupa ng Filipino world eight-division champion.

Ayon kay Angel Her­nan­dez, ang kontrober­s­yal na bagong strength and conditioning coach ng 38-anyos na si Marquez, mas magiging maganda ang tsansa ng Mexican warrior na mapabagsak ang 33-anyos na si Pacquiao.

“There can be some changes, but that depends how much time we have to prepare for the next fight. The longer we have, the better the preparation,” sabi ni Hernandez, sinasabing nagbigay ng steroids sa ilang American Olympic tracksters.     

Naantala ang inaayos na super bout nina Pacquiao at Floyd Maywetaher, Jr. makaraang masenten-syahan ang American bo-xer ng 90 araw na pagkakakulong sa Las Vegas, Nevada bunga ng domestic violence case.

Nauna nang itinakda ni Bob Arum ng Top Rank Promotions ang naturang mega-fight nina Pacquiao, may bitbit na 53-3-2 win-loss-draw ring record ka­sama ang 38 KOs, at Mayweather sa Mayo 5, 2012.

Maliban kay Marquez (53-6-1, 39 KOs), ikinukun­sidera pa rin ni Arum bilang kalaban ni Pacquiao sina Mayweather (42-0, 26 KOs) at Lamont Peterson (30-1-1, 15 KOs).

“We're just waiting for the confirmation of the fight between Manny Pacquiao and Juan Manuel Marquez. I believe that Mr. Bob Arum should be meeting with Zanfer Promotions, Fernando Beltran, Marquez's promoter,” ani Hernandez.

Matagumpay na nai­pagtanggol ni Pacquiao ang kanyang suot na World Boxing Organization (WBO) welterweight crown laban kay Marquez mula sa isang kontrobersyal na majority decision win noong Nobyembre 13 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Ayon kay Marquez, ayaw na niyang idaos ang kanilang susunod na laban ni Pacquiao sa Las Vegas.

Sinabi pa ni Marquez na maaaring idaos ang ika-apat na paghaharap nila ni Pacquiao sa Cowboys Stadium sa Dallas, Texas.

Show comments