Pinoy chessers paghahandaan ang Myanmar SEAG
MANILA, Philippines - Sa posibleng pagdaragdag ng gold medal sa chess event ng 27th Southeast Asian Games sa Myanmar sa 2013, maagang paghahanda na ang gagawin ng Philippine team para dito.
Sinabi ni Grand Master Eugene Torre, tumayong head coach ng tropang nagsulong ng 1 gold, 4 silver at 3 bronze medals sa nakaarang biennial meet sa indonesia, na plano ng Myanmar na isama sa calendar of events ang Myanmar chess, ASEAN chess at random chess.
“I was told that Myanmar has agreed to include standard and blitz chess into the SEA Games calendar in 2013 only if Myanmar chess and ASEAN chess, sports indigent to them, and random chess be included in the list,” wika ng 60-anyos na si Torre.
Apat na events sa Myanmar chess, apat din sa ASEAN chess, anim sa random chess at pito sa classical chess na kagaya ng standard at blitz ang gustong maidagdag ng Myanmar sa bilang ng mga gold medals.
Para sa posibleng paglobo ng mga events sa chess, kabuuang 21 gintong medalya ang maaaring maihanay sa 2013 Myanmar SEA Games.
Ang Myanmar chess ay katulad din ng classical game na tatampukan ng mga elepanteng maglalagay ng mga piyesa mula sa utos ng dalawang magkalabang chess players.
Ang random chess, inimbento ni Torre at ng namatay nang si American world champion Bobby Fischer, ay kagaya ng Myanmar chess ngunit walang gagamiting elepante.
Maaaring makahugot ng gold medal ang mga Pinoy sa standard, blindfold at blitz chess, dagdag ni Torre.
Ang ginto sa 2011 SEA Games ay nagmula kay GM Wesley So.
- Latest
- Trending