Magic sinilo ang Nets
ORLANDO, Fla.--Isa ang New Jersey Nets sa tatlong koponan na pinayagan ng Orlando Magic na makipag-usap kay superstar Dwight Howard para sa isang potential trades kamakailan.
Mangangarap na lamang ang New Jersey na mahugot ang Orlando center na kumolekta ng 16 points, 24 rebounds at 3 blocked shots sa 94-78 tagumpay ng Magic laban sa Nets sa sellout crowd na 18,954.
Umiskor si Ryan Anderson ng 22 points para sa Magic kasunod ang 16 ni Jason Richardson at 15 ni JJ Redick had 15.
“I like the way we’re heading right now,” sabi ni Howard matapos iposte ang kanyang pang 49th career 20-rebound game. “We’re doing all the right things on defense— we’re making mistakes here and there, but we’ll get it right—and our effort has been great.”
Ang Nets ang isa sa tatlHalos maplantsa na ang isang three-team deal na magdadala kay Howard sa New Jersey bago umurong ang Orlando sa pag-asang mananatili pa rin sa kanila ang All-Star center.
“He did a great job approaching it just like any other game, and everyone on the team did the same thing,” sabi ni Richardson, who scored 15 of his16 points in the first half. “We didn’t really worry about what’s going on with him.”
Tumipa si rookie forward MarShon Brooks ng 17 points para sa New Jersey.
Sa Oklahoma City, kumana si Kevin Durant ng 30 puntos, tampok ang isang game winning triples sa huling segundo ng labanan ang nagdala sa Thunder sa 104-102 pagkaungos laban sa nagdedepensang Dallas Mavericks sa rematch ng nakaraang Western Conference finals.
Sa iba pang laro, tinalo ng Los Angeles Lakers ang New York Knicks, 99-82; giniba ng Chicago Bulls ang Sacramento Kings, 108-98; binigo ng Portland Trail Blazers ang Denver Nuggets, 111-102; at isinalya ng Houston Rockets ang San Antonio Spurs, 105-85.
- Latest
- Trending