MANILA, Philippines - Muling makikita ang ‘Good Samaritan Spirit’ ng mga darters ngayon dahil inaasahang dadagsa ang mga kalahok sa “Bisig Darters--Huling Hirit 2011, isang Classified Doubles at Womens Singles charity tournament sa ganap na alas-8:45 ng gabi (game time) sa NU Grill ng Ambassador Hotel sa Mabini, Malate, Manila.
Ang ‘darts for cause’ tournament na nagsimula pa noong 1991 ay palaging nilalahukan ng mga darters na hindi lang naghahangad ng top prizes kundi nagnanais na mamahagi ng donasyon sa mga kapus-palad.
Ang torneo ay sinusuportahan ng Conautic Maritime Inc., Tobys Sports, Amber Golden Plate and Restaurant, Dart ware, Monster, Terton craft at Signex.
Tumutulong din ang mga darting friends na sina Dick at Cathy Odulio, Larry Memije, Togs Perez, Mohd Sulaiman, Flor Aldon, Jiki Valmonte, Renato Mauricio, Joel Songsong, Noel Lautengco, Ren Fuentez at Chito Yakapin.
Ang mode of play ay 501 multiple legs double elims. Mag-uunpisa ang registration sa alas 6:45 ng gabi. Ang unang 50 registrants ay makakatanggap ng welcome drinks.