^

PSN Palaro

Pacman handang makipagsuntukan kay Floyd kahit sa kulungan

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Maski sa loob ng kulu­ngan ay handa si Manny Pacquiao na labanan si Floyd Mayweather, Jr.

Ngunit ito ay isang pagbibiro lamang na ginawa ng Filipino eight-division champion sa isang television ga­me show kaugnay kay May­weather, nahatulan ng tatlong buwan na pagkakakulong mula sa domestic violence case na isinampa ng kanyang dating ka-live-in.

Dahilan sa pagkakakulong sa 34-anyos na si Floyd, nabalam ang pina­plantsang mega-fight sa­na nila ng 33-anyos na si Pacquiao sa Mayo 5, 2012.

Ngunit sinabi ni Bob Arum ng Top Rank Promotions na maaari pang itakda ang Pacquiao-Mayweather super bout sa Nobyembre kung saan inaasahang naka­labas na ng kulungan ang American fighter sa bu­wan ng Abril.

Bago pa man ang pag­bi­biro ni Pacquiao, may naitak­da nang laban sa loob ng kulungan.

At ito ay nangyari kay Ame­rican light heavyweight James Scott na lumaban ng 11 professional fights sa loob ng Rahway State Pri­son sa New Jersey noong 1978 hanggang 1981.

Naging contender si Scott para sa world title habang nasa loob ng piitan kung saan siya nanalo ng siyam at natalo ng dalawang beses.

Apat na prison bouts ni Scott ay isinaere ng NBC Sports, CBS Sports at HBO at tinapos ang kanyang bo­xing career mula sa isang pagkatalo kay Dwight Braxton noong Setyembre ng 1981.

Samantala, bagamat ma­kukulong hindi pa rin tatanggalan si Maywea­ther ng welterweight crown ng World Boxing Council (WBC).

Ito ay sa kabila ng nakasaad sa regulations rule ng WBC na kung ang isang kampeon ay makukulong, ito ay tatanggalan ng titulo.

Ayon kay WBC exe­cutive secretary Mauricio Sulaiman, ang naturang bo­­xing sanctioning body ay nasa likod pa rin ni Mayweather.

“The World Boxing Coun­­cil has always been in the corner of the boxer,” wi­ka ni Sulaiman. “The or­ganization was created to pro­tect the fighter.”

“We will try to achieve the most fair outcome for the fighter and the fans,” dag­dag pa ng WBC official sa kaso ni Mayweather.

Sisimulan ng five-di­vision champion ang kan­yang sentensya sa Clark County jail sa Enero 6, 2012 at inaasahang maka­ka­labas sa Abril.

Inagaw ni Mayweather ang WBC welterweight belt ni Victor Ortiz sa pamamagitan ng isang kontrobersyal na fourth-round knockout no­ong Setyembre 14.

Sa kanyang pagkakakulong ay magsusuot ang American fighter ng standard-issue blue jail jumpsuit na may na­kasulat na letrang CDCC at orange na tsinelas.

ABRIL

BOB ARUM

CLARK COUNTY

DWIGHT BRAXTON

FLOYD MAYWEATHER

JAMES SCOTT

MAURICIO SULAIMAN

MAYWEATHER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with