Sino ang mas gutom?

Kung magiging maigting ang muling salpukan ng defending champion Talk N Text at Petron Blaze sa best-of-seven semifinals series ng 2011-12 PBA Philippine Cup dahil sa rivalry ng kanilang kumpanya, coaches at players, ano naman ang puwedeng asahan sa kabilang serye sa pagitan ng Rain or Shine at Po­­­werade?

May nagsasabing baka hindi tauhin ang seryeng ito lalo’t binago ng PBA ang schedule ng mga laro. Imbes na yung natural na dalawang games per day, isang game na lang bawat araw mula sa Enero 4. Bale walong sunud-sunod na araw ang mga laro at kapag umabot ng Game Five sa magkabilang serye, saka pa lang babalik sa two games per day.

So, ang schedule ng mga laro ng Elasto Panters at Tigers ay sa Enero 4, 6, 8 at10. Ang mga laro ng Boosters at Tropang Texters ay sa Enero 5, 7, 9 at 11.

Siyempre, base sa bilang ng fans ng Talk ‘N Text at Petron, siguradong marami ang manonood sa ka­nilang serye.

Masasabi pa natin ang pareho patungkol sa mga fans ng Powerade at Rain or Shine?

Kaya nga, mayroon ding nagsasabing tiyak sanang blockbuster ang semifinals kung ang lumusot ay ang B-Meg at Barangay Ginebra. Ito kasi ang top two teams in terms of number of fans.

Pero ang B-Meg ay sinorpresa’t sinilat ng Powerade na nanaig ng dalawang beses upang balewalain ang ‘twice-to-beat’ advantage ng Llamados sa quarterfinals. Winalis naman ng Rain or Shine ang Barangay Ginebra, 2-0, sa kanilang best-of-three serye.

So, goodbye sa mga paborito. Maaga silang nagbakasyon. Maaga silang maghahanda para sa 2012 PBA Commissioners Cup.

Sa aking pananaw, baka maging mas maigting ang sagupaan ang Tigers at Elasto Painters na parehong uhaw na makarating sa Finals.

Sa dalawa, itong Rain or Shine ang kahit kailan ay hindi pa nakakatikim na maglaro sa championship round. Ang pinakamala­yong narating nila ay se­mifinals lang.

Pero all-out na ang Rain or Shine matapos na makuha ang serbis­yo ni Joseller ‘Yeng’ Guiao bilang head coach. Kasi nga’y sanay na sanay na si Guiao sa championship sa PBA at ilan na ang ti­tulong kanyang napana­lunan bilang coach ng Swift at Red Bull. Ngayon ay nais niyang ibigay sa Rain or Shine ang kauna-unahan nitong titulo sa PBA.

Full support ang ibi­nibigay sa kanya ng mga team owners na sina Terry Que at Raymond Yu na alam naman natin kung pa­­ano mag-alaga ng isang koponan. Marami silang napanalunang titulo sa defunct Philippine Basketball League, hindi ba?

Bilang Powerade, hin­­di pa nakakarating sa Fi­nals ang Tigers. Nagkampeon kasi sila bilang Coca-Cola at matagal na iyon. Sa ilalim pa ‘yon ni coach Chot Reyes. Nag­daan na sa kanila si­na Binky Favis at Kenneth Duremdes bilang coa­ches. Ngayon ay hawak sila ni Dolreich ‘Bo’ Perasol na kahit kailan ay hindi pa nakakatikim ng kam­­peonato.

Kaya naman nasabi na­­­ting mas gu­tom ang Ti­­gers kesa sa Painters.

Ang pagkagutom na ito ng dalawang teams ang siyang magsisilbing bu­kal ng excitement sa ser­ye.

Show comments