^

PSN Palaro

University of the East namayagpag sa 2011

-

MANILA, Philippines - Nagpapakitang gilas ang University of the East sa mga local at international competitions na kanilang si­nalihan sa taong 2011.

 Sa idinadaos na 74th UAAP season, ang UE ay nagkaroon ng magandang ipinakita sa fencing, swimming, taekwondo at table tennis.

 Nakuha ng Lady Warriors ang ikalimang sunod na overall title habang ang girls team ang hinirang bi­lang kauna-unahang kampeon ng dibisyon.

 Hindi naman nagpahuli ang boys fencers na napangalagaan ang kampeo­nato sa kanilang bakuran.

 Si Patricia Marie Melendres ang siyang lumabas bilang MVP sa women’s division, habang sina Nathaniel Perez at Kim Paolo Gutierrez ang nanalo bilang MVP at Rookie of the Year sa juniors division.

 Unang kampeonato sa women’s badminton ang na­panalunan din ng Lady Warriors sa pangunguna nina Jamilla Fatima Cruz at Rochelle Andres na naupo bilang MVP at Most Improved Player.

 Ito ang ikalawang su­nod na korona ang koponan sa dibisyon, habang ang men’s team ay nag-i­ngay naman sa 16th University Games sa Roxas City nang kunin ang ikalimang UniGames title.

 Humataw ang UE high school sa UAAP swimming, habang nananatiling malakas sa table tennis matapos mapagtagum­pa­yan ang torneo sa ikatlong sunod na pagkakataon.

 Lumahok din ang pa­aralan sa 7th Eastern Cup Table Tennis Championship at nanalo ang UE junior warriors Team A.

 Sa iba pang sinalihan, ku­minang sina Jessica Chris­tia Paron at Francislyn Cais sa 4th leg Petron Beach Volley noong Oktubre 21 at 22 sa Puerto Prin­cesa, Palawan. Si Paron pa ang iniluklok bilang MVP ng torneo.

 Nagbunga rin ang pag­sali sa weightlifting sa National Open and Luzon Powerlifting Championships sa Robinson’s Novali­ches, National Raw Po­werlifting Subjunior, Junior, Open at Masters Championships sa Tiendesitas, Pasay City; sa Philippine Interschool Powerlifting Championship sa Robinson’s Imus sa Cavite.

 Sa international scene, ang UE Red Warriors ay lumahok sa 8th ASIAN University Basketball Cham­pionshp sa Bintulu, Sa­rawak, Malaysia mula Hun­yo 5 hanggang 10 at tu­mapos ang koponang hawak ni coach Jerry Codiñera sa ikatlong puwesto nang talunin ang UCBL Selection team ng Malaysia.

Kampeon dito ang Guang­dong University of Tech­nology at ang Na­tional Taiwan University of Arts ang sumegunda. (AT)

EASTERN CUP TABLE TENNIS CHAMPIONSHIP

FRANCISLYN CAIS

JAMILLA FATIMA CRUZ

JERRY CODI

JESSICA CHRIS

KIM PAOLO GUTIERREZ

LADY WARRIORS

MASTERS CHAMPIONSHIPS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with