Wesley So inimbitahan sa Texas Tech

MANILA, Philippines - Binigyan ng imbitasyon si Filipino Grand Master Wesley So para makapag-aral sa Texas Tech at ma­kapaglaro sa chess team ni­to.

Si Hungarian GM Susan Polgar ang siyang nagpa­abot ng imbitasyon sa 18-anyos na si So upang makapag-aral at maging kabahagi ng Knight Raiders na hinirang bilang national champion matapos paghari­an ang 2011 President’s Cup noong Abril.

Sa Texas Tech matatagpuan ang itinatag niyang Susan Polgar Institute for Chess Excellence (SPICE) na nagbibigay pagkakataon sa mga chess players mula sa iba’t ibang bansa na ma­kapag-aral at makapag­laro ng kanilang paboritong sport.

Show comments